Naririnig ko pa, ang bawat hagikhik ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda, siya ay maalwan ako’y dukha
Di raw kami bagay at kayraming dahilan, ngunit si bakekang ay walang pakialam
Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan, ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa’y walang hanggan,
pag-ibig ay walang hadlang at lilipad ang saranggola sa ulan
At kung ang pagsinta ay di man nagtagal, ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig ng walang panghihinayang, kahit malamang na masaktan
Kanina lang saking tabi, may aleng lumiko, at sa pagmamadali nasagi ang aking puso
Heto na naman ako sa 'king kabaliwan na sinasabi nga nilang “suntok sa buwan”
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi’t laging sinasabi ko o siyanawa ay siyananga ang totoo
Heto na naman ako sa king kabaliwan na sinasabi nga nilang “suntok sa buwan”
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang magpalipad ng saranggola sa ulan
Heto ako’t tumatandang nakahandang panindigan ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan.
-- kay tagal kong hinanap ang kantang yan mula ng marinig kong kinanta ni jimmy bondoc sa sabado boys! napakahusay ni gary granada!
No comments:
Post a Comment