Sunday, January 11, 2009

paranoia attacks

nag taxi ako this morning from robinsons to our home.

taxi driver: saan po kayo?
ako: mindanao ave. lang po.
taxi driver: tsk! (ganyan sa mga comics diba..) ang layo! (nagkamot pa ng ulo)
magkano bigay nyo dun?
ako: metro. pero hindi naman po ako ngbabayad ng sakto lalo na kung mabait yung driver.

alam nyang hindi sya mabait kaya siguro natigilan sya.
kahit bawal mangontrata, iniintindi ko yung mga driver na gumagawa ng ganon. marami silang pwedeng idahilan:

-pagmalakas ang ulan
-kung baha sa dadaanan
-kung panglimahan lang ang taxi at anim kayo
-kung mataba ka,tipong in danger ang taxi nya.
-kung marami kang dala
-kung my dala kang pet
-kung laging traffic sa dadaanan

napakadami kaso sya wala,bastos pa na akala mo uutangin ko sa kanya ung pinatak ng metro, na parang hindi ko sya babayaran.
nagpaikot-ikot sya sa kadahilanang pagiwas sa traffic daw na hindi ko naman nakikita and now im starting to bore myself and i bet you are too. (wala e.. gusto ko talaga ikwento..)

basta, that driver was a real asshole. 217.50 lang yung metro,kung hindi sya nagpaikot-ikot baka nga 150 lang e, binigyan ko ng 250 hindi pa natuwa, 300 pa gusto. kung sinabi nya ng maayos baka ibigay ko pa kaso ang sabi "gawin mong 300! wala pang bente dinagdag mo".

gusto ko syang murahin e, sabi ko na lang -- "grabe kayo manong, irereport ko kayo" , sabay takbo.

bawat pisong ginagastos ko sa araw-araw ay pinagpapaguran ng asawa ko (haha..) gusto kong siguraduhin na sa maayos mapupunta, sa talagang may kailangan.
merong mga waitress, barbero at mababait na taxi driver na bigyan mo ng tip na 20php ay masaya na.
merong isang beses na sumakay ako ng taxi na may mabait na driver, kinukwento nya ang pamilya nya at kung pano nila pinagkakasya maliit na kita nya. (ung mga panahon na sobrang mahal ng gasolina at bigas) binigyan ko ng tip na 50php, tuwang-tuwa na sya. binugbog ako ng "salamat ma'am". i could have given him more if i had more money.
but this ungrateful jerk, bibigyan na ng 30php hindi pa natuwa. saan ka pupulot ng 30 ngayon?

dapat pala binigyan ko sya ng saktong 217.50php at ipinang load yung 32.50php para hindi sumama loob ko.

buti na lang may blog ako.

bakit paranoia: takot ako e, alam nya bahay ko.

No comments: