Friday, October 16, 2009

what is wrong with you!?

naasar lang ako manood ng balita. lalo na during and after ondoy.

kanina pinapakita nila ang kalagayan ng mga tao sa mga evacuation centers. nakakalungkot. mga bata at matandang naghihintay na lang ng dadating na relief, natutulog sa sahig ng covered court na hindi na talaga mahulugan ng karayom. nakakaawa, sila pang mga walang ibang kamag-anak at kaibigan na matutuluyan pansamantala, sila pa na walang pera para rumenta ng kwarto o mag-hotel ang biniktima.

hindi sa pagmamaliki na mabait ako o maawain pero kahit no aglalaway na kong kumain ng cheeseburger, hindi ko magawa. naiisip ko ung ibang hindi kumakain, ung hindi naabot ng relief. ang hirap manood lang ng balita, panoorin yung mga nahihirapan na kahit alam mong nagbigay ka, hindi pa rin yun sapat.

may mga reporters nagbabalita na sa lugar na kinalalagyan nila, hindi daw naabot ng tulong. hello! ate! anong ginagawa mo dyan!? sana nung pagpunta mo dyan may dala ka man lang kahit 20 bags ng relief goods na ipinagmamalaki ng network ninyo?! instead of asking these poor people how they feel which is the stupedest question you can ask to a calamity stricken family who sleep on their roofs and havent eaten for more than a day.. why not ask them what they need or what you can do to help.

may mga evactuation centers na nag seset-up pa ng tents, para daw magkaroon ng privacy ung mga mag-asawa. like what the f***! sinong henyo ang nakaisip nun!? bakit hindi natin ilaan yang mga special tents na yan sa mga matatanda na hindi kayang tiisin ang sobrang init at ingay. sa mga sanggol at bata na kailangan makatulog ng maayos. sa mga may sakit. ang kapal din ng mga mukha ng mga magasawang magsesex pa sa mga evacuation tents. nasa mood pa sila?

nagbigay tayo ng tulong na nakalagay sa plastic bag - na pinaka mababaw na dahilan kung bakit nagbabaha. ironic.

4 comments:

cyndirellaz said...

kaya nga bakit nga ba may tent pa silang naisip? at para sa magasawa? weird.

escape said...

anong ginagawa mo dyan!? sana nung pagpunta mo dyan may dala ka man lang kahit 20 bags ng relief goods na ipinagmamalaki ng network ninyo?>>> sana nga may dala siya.

Giselle said...

cyndirellaz - unahin pa daw ba yung 'privacy' ng mga magasawa? ang weird talaga.

dong - namangka pa ang reporter sa putik at tubig baha para magtanong lang, yung dinatnan nya dun mga tao na sa bubong na ng bahay natutulog. parang hindi nagiisip. siguro iniisip nya na magbalita ang trabaho nya, hindi magkawang- gawa.

Giselle said...

affected much daw ako - well, nakakagalit lang kasi,kung ako ang nasalanta, syempre mas gusto ko na unahin kaming patuluyin ng anak ko sa tent kaysa sa magasawang gusto ng 'privacy'. kung ako ang nasalanta, ipapalo ko sa muka ng reporter ung mic nya, "wala akong oras na sagutin yung tanong mo, kung gusto mo tulungan mo ko itayo ulit yung kawayan at lona sa bubong ng dati naming bahay na lubog sa putik na tinitirhan namin ngayon?, sinasabi ko lang, incase hindi mo nahahalata". kung ako ang nasalanta tatanungin ko kayo, saan ko lulutuin 'tong bigas?

180/90 - high blood ba yon?